Showing posts with label Blog Items. Show all posts
Showing posts with label Blog Items. Show all posts

Monday, September 29, 2008

Stretch your patience

Got this one on my Friendster Account...coming from my friend Adona Elaine Araracap.

Nakakahaba 'to ng pasensya...grabeh!!!

1. I need 2 tell u something, read number 5
2. Are u in a rush? read number 8
3. Are u curious? read number 9
4. Look its the following….u betta read number 15
5. I havent got the guts….just read number 17
6. I would like to tell u..but u should read number 16
7. I’ll tell u…but first read number 2
8. Its very simple…just read number 4
9. Dont get nervous..its simple..jus read number 18
10. Not yet…but read number 19
11. Are u gettin tired? relax…just read number 13
12. Like i was sayin….read number 3
13. You’re nearly there….read number 20
14. Just dropped by 2 say HI THERE,wassup!! hihihi..brrrr!
15. Ur getting nervous..just read number 6
16. U still dont get it? just read number 12
17. Oh! im embarassed….read number 7
18. I dunno if u’ll understand…just read number 10
19. Read number 11…slowly…and u’ll find out
20. Now im’a tell u….read number 14…really
quietly ok?

Read More......

Sunday, January 27, 2008

Your Perfext Txt M8

Have you found your perfect txt m8?

Oh well, I haven't found him yet but I'm still hoping he will come not so soon this 2K8.
Who is a perfect txt m8?

For sure, nagkaroon ka na ng napakaraming txt m8s at malamang isa siya sa mga sumusunod: (courtesy of Tristan Cafe forum)

1. Kitikitxt - Sila ang mga texters na 24 hours na laging nagtetext, kahit nasa banyo iyan at naliligo text pa rin ang drama. Isang text lang, reply agad sila (ang bilis nga eh mas mabilis pa sa kidlat o sadyang mabagal lang talaga ako magtext!) walang sawang nagtetext kahit lumindol, magkatsunami, o dumating ang mga UFO's sa mundo text pa rin ang drama nila. Kahit mag-uumaga na nagtetetext pa rin siya.

2. Kowtsero/Kowtsera - Sila ang mga texters na mahilig magsend ng mga walang kamatayang mga kowts at jokes na nakakasawa na. Dahil diyan, nagmumukhang bangko ng kowts ang aking selpon.

3. PBB texter - Sila ang mga texters na halos lahat ng mga nangyayari sa kanilang buhay ay itinetext nila. "Kain mode ako", "Naliligo", "tomguts na ako!" ang laging mensahe na kanilang ipinapadala. Ano ba yan? Huwag niyong gawing parang Pinoy Bog Brother ang aking selpon. Wala akong pakialam kung anong nangyayari sa inyo sa kasalukuyan. "Libre kita" na mensahe
masisiyahan pa ako ng sobra!

4. Pengeko - Sila ang mga texters na mahilig humingi ng mga kowts, jokes at kung anu-ano pang inspirational messages iyan. Basta kahit ano raw, basta mensaheng kanilang hinihiling. Mga walang awa! Huwag niyo ako isali sa kalokohan niyong iyan dahil hindi ako marunong mag-unli!

5. Magna - Sila ang mga texters na MAGNAnineyears na eh hindi pa rin
nagrereply. Kung magrereply man, limot mo na kung ano bang mensahe ang isinend mo sa kanya para magreply siya ng ganoon o ganyan. Walang kwenta!

6. Matipid - Sila ang mga texters na napakatipid kung magreply ng mga mensahe. Isang word lang ang kaya nilang itext sa iyo at minsan isang letra na lang kung talagang tamad. Letrang "K" lang ang kayang ireply sa'yo. Ganoon na lamang ba iyon kahirap para samahan mo naman ng letter "O" para naman maging "OK"! Masyado kang matipid daig mo pa ang kuripot na Intsik!

7. Shortcutter - Sila ang mga texters na ang mga mensahe ay pinaghalong numero at letra. "Kta tau l8r wag u limot" ang halimbawa ng kanilang
mensahe na sa totoo lang hirap na hirap kong basahin dahil hindi ako ganoon kagaling sa ganyang larangan.

8. Imbentor - Sila ang mga texters na napakagaling mag-isip ng mga bagong salita para maghello o hi sa mga katext gaya na lamang ng "eeOoOwWw!", "zTah nA?!". Nakakahilo na nga kung babasahin mo. Isa pa, pinapahaba pa nila ang bawat
salita na gagamitin gaya ng pagdagdag ng letrang "h", "z", "?!?!?!", "^", "~"
at kun anu-ano pang simblismo iyan para maging kyut daw ang dating! hay.

9. Importante - Sila ang mga texters na nagtetext lang kung kinakailangan o importante. Walang halong mga simbolismo at letrang pampahaba.
Detalyado ang bawat mensahe. Ginagamit niya ang selpon ng maayos. Hindi siya
nagrereply kung ang mensahe lang naman ay "Musta na?", "gawa u?", para sa kanila ang mga texters na yan ay walang magawa sa buhay.

10. Suki - Sila ang mga texters na buhay na talaga nila ang pag-offer ng mga bagong ringtones, logos, picture messages at kung anu-ano pa. Minsa'y
sila rin ang dahilan ng pag-ubos ng iyong load. Sila ay hindi na talaga maalis sa sistema ng paggamit ng selpon. Karamihan ay isinusumpa sila.

O ano, isa ba dyan ang pinapangarap mong txt m8?

I think someone is missing on the list, a txt m8 who is generous (sa load hehehe).

Given the existence and dominance of unlimited call & txt, gaan txt, all txt, lahat txt o kung anu-ano pa, sadyang napakahirap na ngang makahanap ng ka-txt na magpapasa or magsi-share ng load sa 'yo.

Kaya para sa 'kin, ang perfext txt m8 ay marunong magbigay ng load, kahit 2 pesos lang, ayos na!

Hehehe


For tips and suggestions, email perfecttxtm8@yahoo.com

Read More......
 
Template design by Amanda @ Blogger Buster